©bigjettardis


Forget You - Chapter 17

Chapter 17 - A Stranger

Pagkatapos ng music class na tinuturuan ni Tala, tumambay sila nina Julie at Elmo sa studio para magkwentuhan. Kahit naalala na siya ni Julie, may mga bagay pa ring si Tala na kailangan ikwento para tuluyang mabuo ni Julie ang memorya niya tungkol sa kaibigan. Kahit ganun, masaya pa rin si Tala na nakakausap na niya ulit ang best friend niya.

"Natakot talaga ako." sabi ni Tala. "Nung nagising ka at hindi mo ko kilala. Akala ko forever mo na kong makakalimutan."

Ngumiti si Julie. “Alam mo bang naalala kita dahil sa panaginip ko? Napanaginipan kita, kasama daw natin yung aso sa Limena Street, sa village namin. Yung asong yun ang unang memory na bumalik sa akin nung naglibot kami ni Elmo dun.”

"Teka, sa playground?" tanong ni Tala at tumango si Julie. "I think real-life memory yun. Parati tayo dun sa playground nung bata tayo kasama si Oakley."

"Tama! Oakley nga pangalan niya! Sa panaginip ko tinatawag mo siya e."

"See? You should take note of your dreams, kasi baka past memories mo na pala sila." 

Napaisip si Julie. Marami nga siyang napapanaginipan lately at mukhang magandang advice yun na ilista ang mga ito at itanong kay Tala na baka sakaling alam niya ang mga ito.

"So, pumunta ka na sa bahay niyo?" tanong ni Tala.

Tumango ulit si Julie. “Oo, kasama ko si Elmo nun.”

"Talaga? Ano sabi ng parents mo?" 

Nagtinginan si Julie at si Elmo.

"Hindi ako bumaba." sabi ni Julie. "Dumaan lang kami sa tapat. Di ko pa sila maalala."

Medyo nawala ang ngiti ni Tala. Naramdaman niya ang lungkot ng kaibigan sa pangungulila sa pamilya niya.

"Gusto ko silang maalala. Gusto ko talaga. Pero, natatakot ako na kapag magkakasama na kami, hindi ko man masabi yung mga moments na mahahalaga para sa amin. Malulungkot lang sila dahil wala na yung masasayang memories namin."

Hinawakan ni Tala ang kamay ni Julie. 

"Julie, it’s okay. Take your time. Darating din yan, parang nung naalala mo na ‘ko." sabi niya. "Besides, if the worst happens at totally na hindi mo sila maalala, I think your family will still accept you and you will make new memories."

Ngumiti si Julie. Naiintindihan niya ngayon bakit niya naging best friend si Tala. Ang dali niyang maintindihan ang mga emotions niya at parang perfect parati ang advice niya for the moment.

Nagring ang phone ni Elmo saglit at nagexcuse siya para sagutin ito.

"Si Uncle Leo. Baka hinahanap tayo. Wait lang ah."

Pagkalabas na pagkalabas ni Elmo, sunod-sunod ang mga tanong ni Tala.

"Kumusta ang pagiging guest sa bahay nila? Okay ba? Alam mo, may napapansin ako ah, di na kayo masyadong nag-aaway. May something ba? Meron noh??"

Natawa na lang si Julie sa mga tanong ng kaibigan.

"Anong pinagsasabi mo? Wala noh." sabi ni Julie.

"What? Bakit naman wala? He’s hot!" sabi ni Tala.

Biglang nagflashback ang nangyari kaninang umaga sa kwarto ni Elmo at sinubukan niya ulit itong burahin sa mind’s eye niya.

"Pssh. No. Just no. Masyadong.. no. no." sabi na lang ni Julie.

"Bakit? Si Rafael ba?" tanong ni Tala.

"No. Actually, bumisita siya nung minsan, kaso medyo naging… ewan.. magulo siya." sabi ni Julie nang maalala ang bad episode ng pagbisita ni Rafael. "Di ko na siya ulit nakita. Iexplain mo nga sa kin bakit ko siya naging boyfriend?"

Tumawa si Tala. “Alam mo, iyan ang sinasabi ko sa’yo dati kasi hindi ko rin alam bakit mo siya sinagot.”

Biglang bumukas ang pinto at sumilip si Elmo.

"Tala, may customer ka ata."

"Okay, palabas na ko." sabi ni Tala. "Hay, hirap ng wala si kuya. I have to do everything."

Sabay na lumabas ng studio ang dalawa. Tapos na sa pakikipag-usap sa phone si Elmo at sinamahan na ulit sila. Nakita ni Tala ang customer at alam na regular ito, pero narealize niya ang isang bagay kaya hinarap niya ulit si Julie.

"Um Julie, pwedeng sa loob muna kayo ni Elmo? Work muna. Samahan ko kayo ulit maya maya."

"Okay." sabi ni Julie. Bago pumasok sa studio, nagkatinginan sila ng customer, isang babae. Ngumiti si Julie sa kanya na hindi naman binalik ng babae pero parang gulat na nakita siya ni Julie.

Sa loob ng studio, makikita pa rin sa bintana si Tala at ang customer niya. Nag-uusap sila at makikitang napapalingon ang dalawa sa loob kung nasaan si Julie.

"Kilala mo ba siya Elmo?" tanong ni Julie habang pinapanood ang diskusyon sa labas na hindi niya marinig.

Tinignan ni Elmo ang babae. 

"Hindi naman. Bakit?"

"Ewan, parang pinaguusapan kasi nila tayo." sabi niya. "Or ikaw lang. O ako lang."

Patuloy ang paguusap ng dalawa sa labas. May tinatanong ang babae at umiiling lang si Tala. Parang may hinihingi ang babae sa kanya pero ayaw ibigay o sabihin ni Tala. Tumango na lang ang babae sa huli na parang naiintindihan niya at nagtanong ng huling tanong. May kinuha si Tala sa counter at ibinigay ito sa babae na binayaran naman niya. Ngumiti ito at palabas na pero lumingon ito ulit kay Julie, saka ngumiti. Ngumiti naman pabalik si Julie. Pumasok na ulit si Tala sa studio.

"Alright! Nakabenta na ulit." sabi niya nang may ngiti.

"Sino yun, Tala?" tanong ni Julie, curious sa babaeng kakaalis lang.

"Ah yun? Isa lang sa mga regular customers namin."

"Bakit parang agitated siya?"

"Um, ano.. may hinahanap kasi siyang bagong piano polish e out of stock so yun dating binibili na lang niya ang binigay ko."

"Ah."

Hindi napansin ni Julie ang hindi matigil na malilikot na mata ni Tala o ang medyo kinakabahan niyang mga kamay habang nagsasalita, pero si Elmo nakita niya kaya napaisip ang binata kung may tinatago ba ang kaibigan ni Julie sa kanila.

"Well, Tala, mauna na kami." sabi ni Julie at tumayo na. "May pasok pa kasi si Elmo."

"Oh okay, come visit anytime ha." sabi ni Tala.

"Ikaw rin," sabi ni Elmo. "You can come to the house para may kausap din si Julie."

"Oo nga. Medyo boring kasama ‘tong si Elmo minsan. Di masyadong nagsasalita."

Tumawa si Tala at sinabing bibisita siya sometime.

"Uh Julie, mauna ka na sa kotse. Nakalimutan kong ibigay kay Tala yung directions papunta sa bahay." sabi ni Elmo nang nasa may pintuan na sila.

"Okay." ang sabi lang ni Julie at lumabas na.

Pumasok ulit si studio si Elmo kung san nagliligpit ng music stands si Tala.

"Bakit di mo sinabi?" sabi lang ni Elmo.

Huminga ng malalim si Tala at hinarap ang binata.

"Hindi ako dapat ang magsabi." sagot ni Tala.

"Tala, the last thing she needs is secrets."

"Coming from someone who is keeping one from her."

"Tala, iba yung akin. Ito, yung babaeng yun, she needs to know."

"Alam ko yun Elmo." sabi ni Tala. "Pero hindi ako ang dapat magsabi. Besides, mas magandang di na rin niya naalala. The first time she found out, nagkagulo lang. And Elmo, sa tingin mo yung secret mo di niya kailangan malaman? Ako yung pumilit sa’yo dati na sabihin sa kanya, at hanggang ngayon sinasabi ko sa’yo na sabihin mo pa rin."

"This is not about me." sabi ni Elmo. "It’s about Julie."

"Then, like you said. No secrets." sabi ni Tala.

Umiling si Elmo at lumabas na.






  1. definingthedots posted this