©bigjettardis


Forget You - Chapter 18

Chapter 18 - Who We Are

Kinagabihan, pagkatapos magdinner at manood ng tv at nang wala nang tao sa baba, kumatok si Julie sa office ni Dr. Leo. Pagpasok niya nakita niya ang doktor sa desk niya, kakalapag lang ng isang bote ng pills. Tatlong bote ang nasa desk at isang baso ng tubig.

"Good evening Julie." sabi niya bago uminom ng tubig.

"Good evening po. You ok doc?"

Ngumiti si Leo. “I’m fine. High blood. Maintenance meds. Mukhang lahat ng tumatandang Pilipino e may high blood na. Sadly, kaming mga doktor ay no exception.”

Umupo si Julie sa tapat niya. 

"How are you?"

"Ok lang po."

"Kumusta na si Tala?"

"She’s great. Still quirky and still very red ang buhok." sabi ni Julie na nakangiti. "Ang sarap ng feeling na kilala ko siya."

"That’s good. That’s really good. It takes time pero see, your memories are coming back."

Tumango si Julie pero medyo nawala ang ngiti niya, isang bagay na agad napansin ni Leo.

"Something bothering you?"

"Naisip ko lang po," sabi ni Julie. "Paano kung… paano kung hindi ko magustuhan ang mga naalala ko? I mean, so far, I like it. Masaya ako na naalala ko ang mga bagay bagay, pero paano po kung may maalala ako na masama? Paano kung hindi ko magustuhan kung sino pala ako?"

Napaisip si Leo sa tanong ni Julie.

"You are asking very smart questions." sabi ni Leo. "Alam mo Julie, the brain is a very complicated thing. Being the seat of knowledge and control, kahit ang mga leading neurologists, kakaunti pa lang ang naiitindihan dito, lalo na sa memory mechanics."

Tumayo siya at nilapitan ang piano sa loob ng office niya. Matanda at luma na ito at parang ginawang patungan na lang ng mga picture frames. Pinanood ni Julie na umupo siya sa bench.

"Marunong po kayo?" tanong ni Julie.

Ngumiti at umiling si Leo. “Hindi, pero si Jane, oo. Naku magaling siya sa piano. Si Jane, nanay ni Elmo. This was hers.”

Lumapit si Julie at tinabihan si Dr. Leo. Binuksan niya ang cover at hinaplos saglit ang mga keys. Tumugtog siya ng isang kanta. Nang matapos niya, nginitian siya ni Leo.

"You remember?"

Umiling si Julie. “Di ko po alam. Di ko maalala kung naglessons po ako. I just.. played. Parang alam lang po ng mga daliri ko kung paano.”

"Procedural memory." sabi niya. "Common sa mga amnesiacs na makakalimot ka ng mga events or things pero yung mga paulit-ulit mong ginagawa noon tulad ng pagkain or pagbabasa, or in this case playing the piano, naiiwan at naalala."

Tumango si Julie. Kinuha ni Leo ang picture frame ng isang babae na nakapatong sa tuktok ng piano. Nakita na ni Julie ang mukha niya sa picture na kinuha ni Elmo mula sa kwarto niya. Si Jane, ang nanay niya.

"Magaling din siya, siguro kasing galing mo." sabi ni Leo, nakangiti sa litrato. "Favorite niya ang classical pieces. Bach, Beethoven, Mozart. Sayang maaga siyang nawala. Elmo needed her."

Pinanood ni Julie na unti-unti maluha si Leo habang inaalala si Jane. Ang pagtingin niya sa litrato, ang paghawak niya ng frame…

"You loved her." sabi ni Julie, isang statement, hindi isang tanong.

"Nakilala ko siya sa university. Conservatory of Music student siya, Med School student ako. We were best friends."

"Then she met my brother. They hated each other. Parati siyang nagcocomplain sa akin noon bakit daw ganun si Lance. Pero in the end, sila rin ang nagkatuluyan. I was mad, pero di naman ako pwedeng manatiling galit. He was my brother, she was my best friend. Masaya pa rin naman ako para sa kanila. Sinabi ko lang kay Lance noon na kailangan niyang magbago. He was reckless. A rebel. Kaya siguro nagustuhan siya ni Jane. Pero nagbago rin siya kasi mahal niya si Jane at magiging tatay na siya…"

"Alam po ba ni Elmo?"

Binalik ni Leo ang frame sa ibabaw ng piano bago sinagot si Julie.

"Di ko alam. Maybe. Kami ni Elmo, we don’t talk that much. Simula nang mawala si Jane at Lance, naging mas tahimik siya. I understand. He’s grieving on the inside. Kung alam man niya, hindi niya sinasabi sa akin na alam niya."

"Nasa America ako nun, taking up my residency nung nangyari ang aksidente. Mahirap para kay Elmo kasi he was there. He survived and they didn’t. Survivor’s guilt ika nga nila. Kaya, pagpasensyahan mo na si Elmo kung minsan masungit. He’s coping."

Tumango si Julie.

"We all forget things. Ikaw, nagkataon lang na marami kang nakalimutan. Si Elmo, he’s trying to forget the pain. Pero lahat tayo, we remain the same. Nananatili tayo kung sino tayo bilang mga tao. You are still you, at Julie kung sino ka man, hindi ito ganun kasama para magalit ka sa sarili mo kapag naalala mo nang buo kung sino ka."

Tumango ulit si Julie at sumandal sa doctor. Inakbayan naman siya nito at mahigpit na hinagkan ang kanyang mga balikat.

Sa may pintuan sa likod, isang binata ang unti-unting bumalik sa mga anino at umakyat na sa kanyang kwarto.






  1. definingthedots posted this