©bigjettardis


Forget You - Chapter 26

Chapter 26 - Replay

Kinabukasan, bago umuwi si Julie sa kanila, bumisita siya sa studio nina Tala. Nagtatrabaho pa si Tala at may music class pa siya kaya nasa labas muna si Julie at siya ang nagbantay ng counter. 

"Is this really okay?" sabi ni Tala may hawak hawak na music sheets.

"Okay lang talaga." sabi ni Julie.

"Pasensya na ha. Wala kasi ulit si Kuya. After nito lunch na tayo."

Tumango si Julie saka pumasok na si Tala sa music room.

Kakaunti lang ang customer noon, halos mga usual na kukunin lang ang inorder the week before kaya di nahirapan si Julie. Matatapos na ang isang oras at ang klase ni Tala nang may pumasok na customer. Tinignan siya ni Julie. Siya ang babaeng nakita na niya noon dito sa store at sa farmer’s market.

Napatigil sa pintuan ang babae nang makita na si Julie ang nasa counter.

"Si Tala?" tanong niya agad.

"Nasa loob po may klase." sabi ni Julie. "May I help you?"

Halatang ninenerbyos ang babae pero hindi alam ni Julie kung bakit. Hindi pa rin siya lumalapit sa counter.

"Kukunin ko lang yung inorder kong knobs." sabi niya.

"Ah okay po." sabi ni Julie at kinuha na niya ang registry folder. "Ano pong pangalan?"

Parang ayaw pang sabihin ng babae ang pangalan niya. Hinihintay ni Julie na magsalita ang babae. Nakikita niya napapalingon siya sa loob, na parang takot makita siya ni Tala pero busy pa si Tala sa pagtuturo ng isang estudyante niya at nakatalikod siya sa bintana. Lumapit na ang babae.

"Beatrice Peñaflorida." sabi niya.

"Peñaflorida." sabi ni Julie habang hinahanap ang pangalan. "Eto po. Pero sabi po dito delayed until Sunday. Balik na lang po kayo bukas."

Tumango si Beatrice. 

"Taga-dito po ba kayo?" tanong ni Julie. "Nakita ko po kasi kayo sa farmer’s market nung minsan."

Halatang nagulat ang babae na naalala yun ni Julie.

"Ah oo. Malapit lang ako dito."

"Ah. Baka kilala niyo ang nanay ko?" sabi ni Julie. "Magka-last name po kasi kayo. Beth?"

Tinitigan siya ni Beatrice, iniisip kung sasabihin niya ba ang gusto niyang sabihin. Huminga siya ng malalim.

"Oo. Kilala ko siya." sabi ni Beatrice. "Kilala rin kita Julie."

Nagulat si Julie nang banggitin ng isang stranger ang pangalan niya. 

"Kamag-anak po ba namin kayo?" tanong niya pero bago makasagot si Julie lumabas si tala mula sa music room.

"Julie." sabi niya. Napalingon ang dalawa kay Tala.

"Tala, please I need to talk to her." sabi ni Beatrice.

"Tita Bea…" sabi ni Tala. Gusto niyang tumutol pero gusto rin niyang kausapin ni Julie ang babae.

"Tala, kailangan niyang malaman."

"Anong meron?" sabi ni Julie, walang kaalam alam sa mga pinagsasabi nila.

Huminga nang malalim si Tala. “Julie, kailangan nating makita ang nanay at tatay mo. Kasama siya.”

***

Nakarating si Julie, Tala, at Beatrice sa bahay ng mga San Jose.

"Ibang iba na ang bahay." sabi ni Beatrice.

Tinignan siya ni Julie. Bakit niya nasabi yun? Nakapunta na ba siya dito dati? Naisip ni Julie na siguro nga kamag-anak nila ang babaeng ‘to.

Nagdoorbell sila. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto.

"Julie!" sabi ni Ned nang makita ang anak. "Hindi namin alam na dadating ka pala. Pasok-"

Napatigil siya nang makita si Beatrice. Parang nakakita siya ng isang multo.

"Hi Ned." sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ned. "Bakit kasama mo si Julie?"

"We need to talk." sabi ni Beatrice.

Wala nang nagawa si Ned kung di papasukin ang tatlo sa bahay. Narinig nila ang boses ni Beth nang nakaupo na sila sa sala.

"Ned, sino yan?" sabi ni Beth. Nagulat siya nang pagpasok niya sa sala ay nakita niya si Beatrice.

"Bea."

"Hello ate Beth."

"Ate Beth?" tanong ni Julie. "So, magkakilala nga kayo?"

Ang gulat na mukha ni Beth ay naging galit.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya.

"You need to tell her the truth. Again." sabi ni Bea.

"Again?" sabi ni Julie. Naguguluhan na siya. "Bakit? Anong meron?"

Walang sumasagot sa kanya. Si Beth at si Ned, hindi matignan ang anak nila.

"Kung ayaw niyo, ako ang magsasabi." sabi ni Bea. "Julie, kapatid ako ng nanay mo. Ate ko siya."

So, okay, magkapatid sila. Medyo nakita na yun ni Julie dahil parehas ang apelyido nila at may hawig sila sa isa’t isa.

"Julie alam ko di mo ko naalala." sabi ni Bea, nanginginig ang boses. "Pero nangyari na ‘to dati. Pumunta na ako dito para sabihin sa’yo ang totoo. Ngayon, sasabihin ko ulit dahil kailangan mong malaman."

"Bea, stop." sabi ni Beth. 

"Bakit ba ate? Nagkamali ako nun, oo. Humingi ako ng tulong sa’yo-"

"At binigay ko naman di ba?"

"Oo binigay mo. Pero hindi ko maintindihan bakit kailangan ganito, bakit kailangan di ko siya makita."

Galit na galit na lumapit si Beth. “Sinabi mo na nga di ba? Alam na niya. Sinabi mo na dati sa kanya. At ano? Galit siya sa’yo Bea.”

"Hindi siya galit ngayon!" sabi ni Bea. "Alam ko anong nangyari. Wala siya naaalala. Ni kayo di niya kayo maalala. May karapatan naman ata akong sabihin sa kanya ulit."

"Okay na si Julie. Masaya siya dito. Nagkaron tayo ng agreement di ba? Ano pa ba ang gusto mo??"

"Na malaman niya na ako ang nanay niya!"

Parang tumigil ang mundo ni Julie. Parang lahat ng senses niya pumalya. Nabingi, napipi, nabulag siya nang panandalian. Tapos biglang sumabog ang tunog at kulay sa kanya. Napatayo siya at lumabas ng bahay.

"Julie!" sabi ni Tala at hinabol niya ang bestfriend niya.


posted 2 years ago






  1. definingthedots posted this