©bigjettardis


"you’ll fall…." [julie x elmo]

(I just  replaced the audio of the Yellow Note part 1 with Ingrid’s song because they go well together, and… well.. because I can. XD)







You and meriding a dream to our destinyBaby you and meeating mangoes in a mango tree 
Stuck In London - Casey Abrams

You and me
riding a dream to our destiny
Baby you and me
eating mangoes in a mango tree 

Stuck In London - Casey Abrams






what if.

"Screw him. Tayo na lang."

For some reason bumalik sa kin ang mga salita niyang ‘to. I blame this day. This day’s my off day. Wala ako sa sarili ko, I wasn’t doing everything right, tapos ayan, naaalala ko ang mga gantong bagay.

Sa lahat lahat ng sinabi niya sa kin, ito pa naalala ko.

And the words still tug at my heartstrings just like they did when he first said them to me.

At ngayon, kasunod ng mga alaala ay ang tanong na ‘what if?’

What if sinabi kong ‘oo’? What if naging matapang ako nun, assertive ika nga nila sa pagkuha ng mga gusto ko, at isa na siya dun? What if hindi ako nadepresss, hindi naging suicidal, at nanatili lang sa Manila? What if lumipat ako sa school niya nung binigyan ako ng chance? 

What if naging handa ako noon para sa isang relationship?

Magiging masaya ba ako?

What. If. Nakakainis ‘tong mga salitang ‘to. 

Nakakainis ‘tong araw na ‘to.






si kuya zac and baby zab. my babysitter life. :)

si kuya zac and baby zab. my babysitter life. :)






so I thought I’d post a picture for those who don’t know what I look like.
most of the time I look like this. XD 
busy. do not disturb.

so I thought I’d post a picture for those who don’t know what I look like.

most of the time I look like this. XD 

busy. do not disturb.






The SLU Fountain

The SLU Fountain






my cover of Breathe Again by Sara Bareilles. took an insane amount takes because of me screwing up on the piano. XD






Paulit-ulit (Toyang x Ely)

Di mo naman sinasadya e. Ayaw mo man sabihin, pero nasabi mo na. Minsan, yan ang mahirap sa mga salita. Kapag nailabas na, di mo na pwedeng ibalik. 

Nakatitig si Ely sa’yo, kalahating gulat, kalahating hindi mo alam. Kung babae lang siguro siya, nakatakip na ang kamay niya sa bibig niya.

Di mo sinasadya. Kaya nagsorry ka.

"Sorry."

Di siya umimik. Nakatingin lang sa’yo. Di mo na alam gagawin.

Nagsorry ka ulit, kahit alam mo namang wala siyang problema sa pandinig.

"Sorry talaga."

Sa utak mo, may maliit na Toyang na sinasapak ang sarili mo. Bat mo pa kasi sinabi?

Naiinis ka na sa sarili mo. Pakiramdam mo ang laki laki kasi ng bibig mo at di niya kayang isara ang sarili niya.

Nakatingin pa rin siya sa’yo.

"Ely, sorry na talaga. Wala yun. Nasabi ko lang…."

Kahit mukhang tanga ka na sa paulit-ulit na pagsambit ng sorry okay lang basta ba makalimutan niya ang sinabi mo.

Di talaga siya natitinag. Wala ka na ring maisip gawin, kaya aalis ka na lang. Tama. Umalis ka na lang. Lakad papalayo. Dalian mo habang kaya mo pa.

Tinalikuran mo siya.

Isa… dalawa… tatlong hakbang. Tapos nagsalita siya.

"Bakit ka nagsorry?"

Tumigil ka at hindi ka humarap pero napaisip ka. Bakit ka nga ba nag-sorry?

Kasi yun ang pinakamadaling solusyon. Kasi yun ang akala mong hinihintay niyang sasabihin mo pagkatapos. Kasi yun ang dapat.

Pero yun nga ba ang dapat?

Lumingon ka at hinarap mo siya. 

"Bakit ka nagsorry?"

Inulit niya ang tanong, katulad ng pag-ulit mo sa paghingi ng tawad kanina.

Huminga ka nang malalim.

"Kasi.. ano.. di ba? Si Shirley… tapos ikaw.. magbabalikan dapat kayo… tapos… ih basta! Di ata tama na sinabi ko sa’yo yun. Yung.. una… Tsk. Ewan! Pinagulo ko lang e…."

Ayaw mo na. Ayaw mo nang tumayo dito sa harapan niya. Gusto mo na lang tumakbo, magkulong sa kwarto, at magtago sa ilalim ng kumot hanggang sa magunaw ang mundo. 

Kaso lumapit siya at ang tibok ng puso mo nawalan na ng kontrol. Tumingin ka sa semento para di mo matignan ang mata niya.

Nakita mong humakbang siya at lumapit sa’yo. Ayan na. Eto na. Lagot ka Toyang.

"Di mo ba alam, di ka dapat magsorry pagkatapos mong sabihin na mahal mo ang isang tao?"

Huh? Anu daw?

Unti-unti mong inangat ang ulo mo at nagkabanggan ang mata niyo.

"Sabihin mo ulit."

"Mahal kita."

"Mahal din kita."

Di mo naman sinasadya e. 

Na sabihin.

Na mahalin siya.

Pero okay lang.

Mahal ka rin naman pala niya.

********

— <3 okay. tsk reaction paper na! tama na ‘to. XD






I just had to post this on every social networking site I have an account on. 

This song just hits me so hard….






July sunshine (part 4)

Apat na bagay ang nalaman mo nang gabing yun.

Una, nalaman mong two-timer si Lara, na nauna niyang boyfriend si Patrick pero dahil sa reputasyon at kasikatan ni Elmo, pinagsabay niya ang dalawa, kaya pinuntahan ni Patrick si Julie para kausapin si Elmo.

Pangalawa, nung gabing nagbreak si Julie at si Jake, pinuntahan niya si Elmo, pero yun lang ang sinabi niya sa’yo.

Ang pangatlo ay narealize mong medyo in love ka sa kanya pero alam mong you are and will forever be only a friend.

Yun din ang gabi na finally narealize mo na, for the first time, gustong gusto mong sapakin si Elmo.

***

So, yun ang gabing napagdesisyunan mo na.

Oo, lumalabas kayo at nageenjoy siya; oo, napapatagal ang titig mo at ngingitian ka niya; pero alam niyong pareho na tapos na, game over. She is and will be in love with Elmo for as long as you or her can imagine. Ikaw lang si Bobby, ang kapitbahay na may cute na pusa.

Sabi mo sa sarili mo okay lang, it’s fine, it’s perfect, at para sa mga susunod na mga linggo, okay nga.

Chill chill lang kayo sa bahay, nood ng dvds, papakinggan mo siya minsan kumakanta.

Okay ang lahat.

Kaso, nawala siya ng ilang linggo.

***

Sa unang mga araw, okay lang at hindi mo masyadong iniisip.

May sariling buhay ka rin naman. May schoolwork, band rehearsals ng mga kaibigan mo, outings with family. Hindi naman kayo araw araw nagkikita at dapat magkita.

Napansin mo na lang nang maging maingay si Luna. Parating siyang nasa bintana at nagme-meow sa bahay nila. Titingin ka sa bahay nila. Wala namang kakaiba. Walang umaaligid na di kilalang tao. 

Kaya hahaplusin mo na lang ang ulo ni Luna para tumahimik siya. 

***

Dumaan ang maraming araw at wala pa ring tao sa bahay nila. Chinecheck mo rin phone mo kung nagtetext siya, pero wala.

Alam mo di ka naman dapat mag-alala. Kung kasama naman niya pamilya niya, wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya. At sa trabaho niya, talagang ganun siguro na aalis siya at pupunta sa ibang lugar ng matagal.

Pero bumalik ang pagdungaw mo sa bintana.

***

Isang araw napagdesisyunan mong manood ng tv. Inisip mong mas may alam ang entertainment news shows kung nasaan siya. 

Tama ang hinala mong mababalita siya. Sinabi na may taping sila ng bagong nilang movie ni Elmo. 

***

Nang makabalik na siya, nalaman mo na lang pagbalik mo galing school.

Dumeretso ka agad sa bahay nila at kumatok.

Bumukas ang pinto at nakita mo siya, nakatali ang buhok at parang mas maganda kumpara sa last time mo siyang nakita.

"Bobby?"

"Julie! Finally nakabalik ka na. Bat di ka nag rereply sa text ko?"

Lumingon lang siya sa isang lalaking nasa loob. Tinignan mo kung sino yun. Isang lalaki, na nung isang araw nakita mo lang sa tv, ay ngayon nasa loob na ng bahay niya.

"Pasok ka." sabi na lang niya at pumasok ka.

Walang nagsalita, pero nakita mo ang mga tingin. Kahit hindi siya ipakilala, sigurado kang si Elmo yun. Hindi mo maimagine na ibibigay niya sa iba ang tingin na yun.

"Elmo?"

Ngumiti si Elmo at inabot ang kamay. “Yep. Elmo Magalona. Nice to meet you…”

"Bobby. Bobby Gorospe."

Tinignan mo siya, tapos silang dalawa, na parang ito talaga ang dapat. Silang dalawa. Umiling ka na lang.

"Uh, okay." sabi mo habang paatras na naglalakad. Pakiramdam mo sagabal ka sa moment. "Nice to meet you Elmo. Listen.. I’ll let you get back to what you  were talking.. about.. uh Julie, una na ko."

Ngumiti siya sa’yo. May kakaiba sa ngiti niya ngayon. Para bang nawala ang mundong pasan niya. At dahil sa ngiti niyang ‘to ngumiti ka rin at parang nagkaintindihan kayo dahil sa mga tingin niyo, tulad ng lahat ng magkakaibigan na nakakapagusap nang hindi nagsasalita.

"Kailangan kong paliguan si Luna." sabi mo na lang.

Lumapit siya kay Elmo. “Naku, you have to meet her. Ang cute cute niya.” Ngumiti si Elmo at nilagay ang kamay palibot sa bewang niya.

Hindi mo mapigilang ngumiti sa kanilang dalawa. Hindi mo alam kung napansin ba nilang umalis ka pero paglingon mo, nakatitig sila sa mga mata ng isa’t isa.

***

Nakita mo sila kinabukasan, Sabado. Nakaupo silang dalawa sa bangko, may hawak na mga tasa. Hinalikan ni Elmo ang gilid ng ulo ni Julie at may sinabi siya na nagpatawa sa binata.

Masaya sila. Perfect sila. Pero gusto mo pa rin siyang sapakin.

***

Nakita mo si Elmo minsan habang nasa morning jog ka.

Naka-upo siya sa village park. Nakita ka niya at kumaway siya. Lumapit ka naman.

"Hey."

"Hey."

Andun lang kayong dalawa, tahimik. Tapos nagsalita siya.

"May gusto ka bang sabihin?"

Nagulat ka na ganun ka niya kadaling basahin pero dahil tinanong niya sinabi mo na.

"She was miserable." sabi mo inaalala ang mga unang buwan. "Noong una ko siyang makilala. At ikaw ang dahilan."

Hindi ka niya tinitignan pero alam mong narinig ka niya. 

"I don’t know what you want me to say." sabi niya. "Pero hindi ko na mababalik ang nangyari and I don’t think I have to explain anything to you."

Totoo nga naman. Wala siyang kailangan ipaliwanang, at ikaw, wala kang karapatang magalit. Kung napatawad na siya ni Julie…

"Fine." sabi mo na lang. "Pero saktan mo siya ulit, lagot ka sa kin."

Tumawa siya. “Deal. Kapag naulit, hahayaan kita.”

Ngumiti siya sa’yo at parang nakita mo na kung bakit gusto siya ni Julie.

****

So kaibigan mo sila.

Lalabas kayo at kakain. Kikidnapin nila si Luna at pakakainin ng marami kaya tumaba na siya. Papasok ka pa rin sa back door pero kakatok ka muna. Tinawanan mo sila nung summer nang masunburn sila pareho sa beach.

Hindi ka pa rin involved sa showbiz life nila kasi ayaw mo rin naman makisawsaw. 

Hindi ka na nagtatanong dahil kaibigan mo sila.

Kaibigan mo sila at nakikita mo sila.

Kapag magkatabi, kapag magkaholding-hands, kapag nagtatawanan. 

July na ulit at andun sila nakaupo sa bangko at naisip mo, kasing linaw ng araw ang pagmamahalan nila.

*****

—tapos!! haha. hay. sarap magsulat. :D hope you guys enjoyed this! :)