defining the dots...

"A good snapshot stops a moment from running away." ~Eudora Welty
||

Elie. 17. Baguio City, Philippines.
1/4 »
home
ask
jess x schmidt
julie x elmo
Lightning Dance
theme
May 30 / 1

Kung may isang period o span of time na hinding hindi babaguhin ni Julie, ito ang mga panahon pagktapos nilang mag-ayos ni Elmo. Para bang pagkatapos lahat ng pag-aalala at pangamba, naging maluwag ang buhay ni Julie, at mas masaya dahil kasama niya ulit si ang kaibigan.

Lumalabas sila parati, kumakain nagkukwentuhan, tulad ng dati. Ni hindi na nga niya naiisip minsan ang nangyari dati. Nakalimutan niya ang sakit dahil mas masarap alalahanin na okay sila. 

Dahil dito, nagumpisa nanaman ang mga bulong bulungan. Marami sa media ang napapaisip: eto na nga ba? Maguumpisahan na ba ang isang relasyon na napigil dati?

Ngunit tulad ng mga dating salitang nasambit, magkaibigan pa rin ang turingan ng dalawa. Yun ang gustong paniwalaan ni Julie. Ayaw na niyang umasa.

“Malay mo, nagiba siya.” ang sabi ni Darcy noong na naglalakad sila ni Julie sa parke, isang araw na mahangin.

“Siguro, nung andun siya sa States, narealize niya na ikaw Julie, ikaw ang kailangan niya!”

Natawa na si Julie sa kaOAan ng kaibigan.

“Ilang beses nang dumaan sa isip ko yan, pero ayokong umasa. Ayokong magexpect, kasi habang tumatagal ang expectations ko, tumataas, tapos madidisappoint lang ako kapag hindi nangyari.”

Napatingin si Julie sa isang puno, isang acacia na nakatindig sa gitna nang madamong parke. Malakas ang hangin noon, at yun ang buwan nang taon na naglalagas na ang mga dahon ng puno. Isang malaking pagaspas at maraming dahon ang nahulog ngunit nakatayo pa rin ang malaking puno.

“Ano nanaman ang tinititigan mo diyan?” sabi ni Darcy.

“Yung puno.” sabi ni Julie, nakatingin pa rin sa nasabing bagay. “Gusto kong maging puno.”

Tumaas ang kilay ng kaibigan. “Ayan ka nanaman e, yang mga wise fortune cookie words mo umaandar nanaman. Bakit mo gustong maging puno? Para putulin ng illegal loggers?”

“Hindi. Gusto kong maging puno, kasi… gusto kong maging strong, maging sturdy. Tignan mo, kahit anong hampas nang hangin hindi siya natitinag.”

Tinitigan ni Darcy ang puno at nakuha ang sinasabi ng kaibigan.

“Gusto mong maging parang puno, na kahit anong attraction o romantic feeling na maramdaman mo kay Elmo, maiignore mo, na kahit ilang hampas ang maramdaman mo, luha lang ang mawawala, parang yung mga dahon, at ikaw, nakatayo pa rin.”

Nagulat si Julie sa sinabi ng kaibigan. Yun na yun ang nararamdaman niya, pero hindi niya lang masabi gamit ang mga salita. Kakaiba rin itong si Darcy. May ugali siyang nasasabi niya ang lahat, kahit ang pinakamahirap na intindihin na mga bagay.

Ngumiti na lang si Julie.

“I want to remain friends with him. Kung yun ang paraan para hindi siya mahiwalay sa kin, okay ako dun. I’d rather stay friends than force myself to him and lose him in the end.”

Sa malayong parte ng langit, sa maulap at madilim, isang linya ng kidlat ang lumitaw. Hinintay ni Julie na dumating ang kulog, ngunit tahimik ang lahat, except sa mga tunog ng hangin. 

May 23 / 3

Natapos na nina Julie at Elmo ang kanilang meryenda na patuloy pa rin nakukwento tungkol sa mga bagay bagay.

“So, andun ako, sa dairy, bumibili ng soda, nang may marinig akong babae sa likod na biglang ‘Elmo!’ Inexpect ko na Pinoy na nakakilala sa akin. Paglingon ko, isang black girl nakatayo doon kumakaway sa akin.”

“Kilala ka niya? Ikaw na talaga ang sikat.” ngiti ni Julie.

Read More

May 22 / 2

Hindi niya alam bakit siya andito, bakit sa lahat lahat ng lugar, dito pa. Masakit na nga, dinadagdagan niya pa. Alam niyang mahihirapan siya, pero eto, nakaupo pa rin sa dating silya, sa dating lugar. 

Read More

May 19 / 3

“I’m fine.”

“Wala pa man akong tinatanong.”

Read More

May 19 / 3

“Julie? Julie Anne San Jose?”

Napalingon si Julie mula sa kinauupuan niya. Isang boses na hindi niya inaasahang maririnig pagkatapos ng sampung taon ang tumatawag sa kanya sa loob ng restaurant. Doon, sa pintuan ng Riviera’s, nakatayo ang isang binatang isang tingin lang ay nakilala niya agad.

Read More

May 17 / 3

Gabi nanaman.

Tahimik muli ang kalye na kaninang hapon lang ay puno ng buhay. Mga sasakyang dumadaan, mga taong nagmamadali pauwi, mga batang pinapapasok na ng kanilang mga ina.

Sa loob ng kaunting sandali, dumating na ang dilim at kasabay nito ang paglisan ng mga ingay at tunog.

Ngunit sa kalagitnaan ng kapayapaan, makikita ang biglang liwanag. Saglit lang, pero nakakapukaw ng mata. Isang mabilis na banta sa parating na unos.

“Elmo?”

Tinaas niya ang tingin mula sa sahig patungo sa mga matang nagtatanong sa kanya.

“Ayoko na Julie.” sabi ng binatang nakaupo. “Hindi ko na kaya.”

Kakaunting salita na nasambit ng mahinang boses, ngunit mabigat para sa kanya. Gusto niyang magsalita, sumagot, pero ano naman ang sasabihin niya? Ano ang isasagot sa walang tanong? Anong ilalaban sa mga salitang sumusuko na?

“I can’t leave her for you.”

Ito ang mga salitang iniiwasang marinig ni Julie, kahit alam niyang mali simula pa lang ang ginagawa nila Elmo. Pero hanggang ngayon, pagmamahal pa rin ang pinanghahawakan niya. Hindi na simpleng pagtingin. Ngayon, totoo na. Pero anong magagawa niya kung ang pagmamahal niya mismo ay mali?

Tumingin sa bintana si Julie. Sa kalangitaan, paulit ulit ang pagdaan ng kidlat. Liliwanag nang saglit, pero babalik din ang dilim. Nakita niya ang sarili, si Elmo – lumiwanag man ang buhay nila nang panandalian, andiyan pa rin ang dilim na bumabalik, at hindi pa rin maiiwasan ang bumabadyang ulan.

Narinig ni Julie ang pagtayo ni Elmo kaya lumingon ito para harapin siya. Bakas sa mukha ng binata na ayaw niyang gawin ‘to, pero kailangan. Kailangan siyang pumili.

Ganun ang buhay. Bawat sandali, binibigyan ka ng pagpipiliian. Babangon ka ba at papasok o mananatiling nakahiga at matutulog? Kape o tsokolate? Puti o itim? At ngayon, kinailangan ni Elmo na pumili, kahit gaano kasakit sa kanya o kay Julie. Minsan, ang pagpipilian ay sa pagitan ng madali at ng tama. 

“I’m sorry.”

At dumeretso na nang pinto si Elmo, nagiingat na wag lumingon dahil alam niyang kapag lumingon siya kay Julie, hindi na muli siya makakagalaw.

Sa pagsara ng pinto, tuluyang tumulo ang luha ni Julie, mga luha na ang dahilan ay hindi ang paglisan ni Elmo, ngunit ang hindi nito pagsambit na mahal niya ang dalaga.

Wala na siya, pero hindi niya dinala ang sakit. Naiwan ito para maramdaman ni Julie, para ipaalala sa kanya na mahal niya pa rin si Elmo. Tuloy tuloy ang mga luha, tulad ng ulan na sa wakas ay bumuhos sa labas. 

A/N: hi ebriwan!!! :D first things first, i’m kind of back. yesss namaaan. haha. I figured, makakalimutan ko paano magsulat kung hindi ko ipapractice so eto ako, nagpapractice. I’m so behind in the fandom, I know, pero eto trying hard pa rin to let out my inner fangirl self. XD
warning, una, this story is very dark. kung ayaw niyo ng emoshizz then this is not recommended for you. heavy on drama, though may light moments din naman paminsan minsan. pangalawa, di ko alam kung gaano ko ito iuupdate. life is practically eating me right now, so baka i’m busy staying alive. kung hindi, i’ll be updating :D

ayun. if you decide to read this, and may somehow like it, thank you very much!! drop by my askbox for any kwistiyons. :D

oh, and HAPPY BIRTHDAY JOOLEH!!! XD (thank you twitter for keeping me up to date *somehow*)

Mar 22 / 150
Mar 21 / 61

All we have is nowThis moment, shining in the darkYou and I, just one summer 
Just One Summer, Roselle Basbas

All we have is now
This moment, shining in the dark
You and I, just one summer 

Just One Summer, Roselle Basbas

Mar 21 / 145

tell me it’s real that I have found you…

Tell Me It’s Real, New Heights
Mar 20 / 265