©bigjettardis


Beautiful

"Pepperoni pizza."

"You didn’t!"

"Yep. You’re welcome."

Read More


posted 8 months ago






Christmas Mourning

This is such a late post. I apologize I didn’t post it sooner. 

This story is inspired by the tragedy of the Sandy Hook Elementary School Shooting. I wrote this to somehow ease the grief I was feeling. I’m halfway around the world but when I woke up to that news, I was devastated. My deepest condolences to all the families who lost their angels. May this story somehow help. Your angels will always be with you. 

Our home was quiet as usual. Compared to my busy life at college, our house in Newtown is always quiet and peaceful. 

Read More






As always…

Ang huli naming paguusap siguro mahigit dalawang linggo na. Tapos dadalawang salita lang ang nasabi namin sa isa’t isa.

Ganun naman kami. Hindi kasi kami magkaklase. Busy siya sa classes niya at busy ako sa akin. 

Pero nakakatuwa. 

Kasi kapag magkakasalubong kami, hindi pwedeng hindi niya ko babatiin, kahit panglimang beses ko na siya nakasalubong sa same floor. Kapag nalampasan niya ko at alam niya, lilingon siya at babatiin pa rin ako ng malakas kahit malayo na siya.

Ganun siya. Ganun kami. Mag-aapir sa corridor. Kapag hindi siksikan at hindi ako nagmamadali, yayakapin niya ko. 

Nagkita ulit kami kanina. Same old same old. Ngiti. Hello. Bye. May dagdag pa nga siyang kurot sa pisngi ko na nagpatawa sa akin.

And as always, gagawin ko ang isang bagay na hindi niya alam na ginagawa ko.

Magbibilang ako ng tatlo, tapos lilingon ako. 

Tapos magbibilang ulit ako nang tatlo, nagbabakasakaling lilingon din siya.


posted 1 year ago






Sabi nila…

Mataray daw siya.

Grade conscious

Super nerd

Controlling

Walang kaibigan

Boring

Masyadong perfect

——-

Di daw siya seryoso

Pariwara sa buhay

Masyadong happy-go-lucky

Irresponsible

Bagsak parati

Pasaway

Bad influence

—-

She’s out of my league

——

He’s doesn’t deserve me

——-

Marami silang sinabi noon. Hanggang ngayon naman.

Hindi namin sila pinakinggan.

Kasi ang naririnig lang namin ang sabi ng mga puso namin.


posted 1 year ago






dreamscape

I’m known to have the weirdest dreams in the family. I think my subconscious is just naturally active.

Last night, I dreamt about a guy who I know but I won’t reveal his identity for reasons that he might come across my blog or is probably aware of it right now and reading this. So let’s name him Dave. 

So in reality, Dave and I have been friends for a long time and we haven’t seen each other for a long time either. In my dream it was my 18th birthday again and I had a party in a private island somewhere in Palawan. Yes, in my dream I’m rich.

Dave came, along with several other friends and of course my ginormous family comprising of 20+ aunts, uncles, and cousins. We stayed at this beautiful house that I can only afford in my dreams. 

I can’t remember most of it now but it was a looong dream. What I do remember is Dave admitting that he likes me, you know like like me, as in romantically likes me. In reality, Dave is only like a brother to me, so in my dream I kind of friendzoned him. But the persistent idiot told my father that he would like me to be his girlfriend.

Cue the awesomeness of my dream. In the traditional Philippines, when a guy wants to court a girl, he must ask the permission of her parents and the parents would normally make the guy suffer, like make him do chores and hardwork and stuff. This is to test the guy if he really is sure he wants to be the boyfriend of the girl.

That was what happened in my dream. My father made Dave do carpentry work. My father’s a civil engineer and he has brothers who are electric engineers and architects. Naturally, building a house, or in this case repairing the shack by the beach, was like a piece of cake to them and also to my male cousins, who grew up doing things for my dad and my uncles. Dave on the other hand, was more of the laidback intellectual type. He probably never handled a hammer in his lifetime.

So there I was, watching them repair the shack, and what was Dave doing? Smashing shells. Yep. He was using the hammer to smash shells so he could decorate the shack. Oh and he was also stringing beads. 

My dad was furious. He came inside the house and said to me “I can’t do this. Look at him! He’s holding beads! I can’t do this. Just tell him you don’t love him.” and I said. “Sa tingin mo, Pa, di ko pa sinasabi sa kanya yun?? Siya lang naman tong mapilit.” Then he said. “Wag ka na kasing maging polite. Paminsan minsan maging bastos ka.”

My dad was telling me to be rude. Really?? So I became rude. 

"Bastos? Okay! Bastusan lang pala e. Hoy! Dave! Halika ka nga rito!"

He came smiling like an idiot. All the members of my family were there, watching what was about to unfold.

"Ikaw, kaibigan kita ha. Kaibigan. Hanggang dun lang. Wala nang next. Period. End of story. Kaya tigilan mo na yan at sumakay ka na sa plane papuntang Manila."

He stood there dumbstruck and I turned back to the house. But he grabbed me turned me around and kiss—-

Nope! haha! He tried. Twice. But I turned my head. Hello??? Bat naman ako papahalik sa mokong na yun?

Then I told him. “Leave. Please.”

And I woke up.

I looked up the ceiling and thought, I think there is a big possibility that would happen in real life, knowing Dave and knowing my father…..






Intuition (Julie/Elmo)

Intuition (n.) - The act or faculty of knowing or sensing without the use of rational processes; immediate cognition.


May mga bagay sa mundo na hindi talaga maintindihan, at lalo na, maiksplika. Tulad nang bakit aso ang tawag sa aso at puno ang tawag sa puno. Bakit gusto mo nang asul at ayaw mo nang pula. Simple, pero mahirap ipaintindi ng lubos.

Dahil sa dami ng kababalaghan at misteryo ng buhay, natural sa atin bilang mga tao na hanapin ang katototohanan na makakapagbibigay linaw sa mga ito. Bilang rasyonal, gusto natin ng eksplenasyon sa halos lahat ng bagay, dahil parang nagbibigay ito ng kapayapaan sa mga isip natin na wala nang ginawa kung hindi magtanong at magisip ng mga rason.

At marahil isa sa mga ito, na nakikita at nararamdaman natin kahit saan at mula kahit kanino, ay ang pag-ibig.

Ito ang kanina pa na umiikot sa isip ni Elmo. Ano nga ba ang pag-ibig? Paano mo nga ba malalaman kung nararamdaman mo na ito? May mga senyas ba o palatandaan na nagpapahiwatig na ‘oo! siya! siya na nga! ito na yun!’?

Patuloy sa pagtakbo ang mga salitang ito habang nakatitig siya sa isang dalaga sa di kalayuan. Ingat na hindi mapansin, pasimpleng tumitingin ito ngunit sa ngayon, parang hindi na mapigilan ang pagtitig niya. Isa pang kailangan niyang isipin: bakit nangyayari to?

Siya na nga ba? Baka naman dahil siya lang ang kasama niya sa araw-araw - sa taping, rehearsals, promotions, production numbers, press conferences. Baka rin dahil nabansagan na sila na loveteam at alam na at inaasahan na ito ng publiko kaya niya lang nararamdaman ‘to. Kumbaga, nadadala lang sa agos ng ilog kung saan sila inilagay na dalawa, na walang kamalay kamalay na makakaapekto pala ito sa totoong nararamdaman niya. 

Ano na nga ba ang totoo sa hindi? Totoo ba ang mga hawak-kamay, mga haplos sa pisngi, mga yakap na mahigpit, at mga halik na sinasabi ng isang piraso ng papel? Kung iisipin, oo, totoo nga naman ang mga ‘to dahil nagagawa naman niya. Ngunit ano ang dahilan kung bakit niya nagagawa? Dahil ba gusto niya o dahil inuutos lang sa kanya? Alin na sa dalawa ang nangyayari?

Naudlot ang mga rumaragasang salita sa utak niya nang napalingon ang dalaga sa direksyon niya. Ngumiti ito.

At dahil sa isang simpleng ngiti, nalaman ni Elmo ang sagot.

May mga bagay na natural lang dumadating. Umuulan. Sumisikat ang araw. Umaagos ang tubig. Umiikot ang mundo. Humihinga tayo. Wala nang malalim na dahilan na kailangang malaman o aralin, maliban sa nangyayari ito dahil buhay tayo, at buhay ang mundo.

Hindi mo na kailangang mageksperimento o intindihin ang proseso. May mga bagay lang talaga na sadyang nangyayari na nakikita natin at nararamdaman. Ngunit, dahil mabilis maganap ang mga ito, ibig ba sabihin hindi na totoo? 

Rasyonal ang mga tao. Mahilig umintindi ng mga proseso at paraan. Ngunit, minsan sa buhay, hindi puro proseso at siyensiya ang ginagamit. May mga bagay lang talaga na sadyang alam na natin. Paano mabuhay, paano maging masaya, paano magmahal. 

Intuition. Pakiramdam. Lahat tayo may ganito. Mga bugso ng damdamin na para sa atin ay totoo, at kahit sino man ang kumontra, alam natin na totoo ito dahil natural itong lumalabas. Galing sa atin kaya walang iba na makakapagsabing mali ito dahil hindi naman sila ang nakaramdam.

At para kay Elmo, naramdaman niya na mahal niya ang isang dalagang si Julie.

***A/N: something na kanina pa namumuo sa utak ko. di ko naman siya matugma sa LD kaya ginawang one-shot na lang. 






Kamay

-getting rid of plot bunnies bago matulog. baka mapanaginipan ko to e tapos makalimutan na pagkagising. XD

"Ui!"

Lumingon ako para tignan sino ang tumatawag ng aking pansin. Sa kapal ng tao, mahirap makita kung sino. Kumunot ang noo ko habang hinahanap siya.

Read More







Forget You
- “There’s a reason why I remember you, even though you are the one person I wish I forgot.”

Forget You

- “There’s a reason why I remember you, even though you are the one person I wish I forgot.”






Mata

Ayan nanaman siya. Nakatingin. Nakatitig. Na para bang sinusubukang basahin kung anong iniisip ko.

"Divide both sides of the equation by 4x, then proceed to cross multiplication."

At hindi ko napigilan na mapatingin sa kanya. Nagkabanggaan ang mga mata. Hindi ko namalayan, ilang minuto na ang nakalipas na nakatitig ako sa malalaki niyang mata. Bigla niyang binaba ang mga ito sa papel na nasa harapan niya. Nakahinga ulit ako.

"Ano yan?" bulong ko sa kanya.

Di siya umimik. Tinignan niya ulit ako, sinusuri ang mukha ko hanggang sa tumitig ulit sa mata ko.

"Kailan ka pa nagstart mag-glasses?" tanong niya. Isang napakarandom na tanong, pero napakalimit na natatanong sa akin.

"Grade 5." sabi ko, at binalik ko ang tingin ko sa harapan at pinagpatuloy ang pagkopya ng mga numero sa board.

Sa dulo ng mga mata ko, sumulyap ako sa kanya. Nakayuko siya ulit sa papel sa armchair niya. 

Ilang minuto ang lumipas at nagpalit na ng lesson ang instructor. Dalawang pages na ang nagamit ko sa notebook ko habang siya andun pa rin sa same page. Hindi na notes ang ginagawa ng lalaking ‘to.

At nakatingin nanaman siya. Hinarap ko ulit siya para tanungin kung bakit o kung may tatanong ba siya, at hindi ko nanaman mapigilang tumingin sa mga mata niya, na para bang hinihila ako para tumitig.

Nagtanong ulit siya.

"Chinese ka ba?" Random, pero ilang beses nang natanong sa akin.

"Hindi."

"Korean?"

Umiling ako.

Nakatitig siya ulit sa mata ko, nagtataka siguro kung bakit ganun ang hugis. Ako rin, nakatitig sa kanya, nagtataka bakit malaki ang mata niya, at bakit ba nahihila ako sa mga ito.

At naputol ang moment nang tumunog ang bell.

"Solve the problems here on a 1 whole piece of paper due next meeting."

Nagliligpit na ko nang nilagay niya ang notebook niya sa tapat ko. Isang mukha ng babae, singkit at may salamin ang nakatingin sa akin.

Hindi ganun kapolido at madetalye tulad ng gawa ng mga magagaling na pintor o artist. Simple lang, cartoonish, parang gawa ng isang inosenteng bata.

Tumingin ulit ako sa mga mata niya. Ngumiti siya.

Napangiti rin ako.






Telepono

 “Andyan ka pa ba?”

“ … Oo”

Pero sanang wala na ko dito. Sanang binaba ko na. Sanang di ko narinig ang lahat ng sinabi niya.

“I’m sorry…”

Hinga. “I can’t believe you’re telling me this over the phone.”

“Kailangan ko nang sabihin. Hindi ko na mahihintay yung araw na magkikita ulit tayo kasi sa totoo lang hindi ko alam kung darating pa yun.”

“Hindi mo na ko mahintay? Ganun ba yun? Pero sinabi mo dati handa ka namang maghintay. You said so yourself that we could make this work.”

“… “

Wala ka nanamang masabi. Hindi ko alam kung ano ang mas kinatatakutan ko, ang wala kang masagot o ang sagot na ayaw mo na talaga.

“Marami nang nagbago.”

“Anong nangyari?” Wag kang umiyak. Pigilan mo. “Akala ko bang may mga pangarap tayo?”

“Hindi. Ikaw yung may pangarap.”

“No, I’m pretty sure pangarap natin yun. Naalala ko na andun ka nung ginawa natin yung mga yun.”

“Sabi ko nga, marami nang nagbago. Magiging pabigat lang ako sa’yo…. At sa totoo lang, it was all too much.”

It was all too much.

“ …”

“… “

“Couldn’t you fight a little harder for us?”

“I can’t fight for something I don’t believe in anymore.”

At hindi ko na narinig pa ang boses niya.

dafuq. ano ‘to? XD nakikipagbreak ako sa imaginary boypren ko. hahaha